Huwebes, Abril 18, 2013

PAGPAPAUNAWA!


BAKIT NGA BA MAY MGA LARAWAN ANG MGA KATOLIKO?







Ito po ba ang mukha ni kristo? Kung gayon, kapag napatunayan, maaring ito ang pinakaunang larawang naitala sa kasaysayan ng Kristiyanismo nang mahukay ito kasama ang mahigit 70 pang libreta sa isang yungib sa Israel na nakatago ng halos 2,000 taon at maaring ito ay gawa pa mismo ng mga nakakilala kay Kristo!

Kasama sa larawan ay ang sinaunang Hebrew text o sulat Hebreo na hanggang ngayon ay 3 salita pa lang ang nasasalin- SAVIOUR OF ISRAEL!


Kung mapapatunayan ang pagkaorihinal ng lead codices na ito, at mapapatunayan ang taon kung kailan ito ginawa, maaring noon pa man ay may larawan na nga ang mga sinaunang tagasunod ni Kristo. 

Ayon sa tradisyon, ang pinakaunang gumawa ng larawan ni Kristo ay noong buhay pa sya at si Kristo mismo ang gumawa. Ito ay tinatawag na Icon- Not-Made -With-Hands.  Ang isa pa ay ang larawan ng Inang Maria na gawa ni San Lucas Ebanghelista.

Ayon sa Banal na Aklat, ipinagbabawal  ng Diyos ang paggawa ng mga larawang inanyuan sa Exodus 20:3-5 at nagbabala pa sa Exodus 32:31. 
 



IPINAGBABAWAL BA NG DIYOS ANG LAHAT NG URI NG LARAWAN?

Ang sagot po ay malaking HINDI!


Ang Diyos ay nagbabala na hindi dapat sambahin ang mga larawan, Pero hindi nya ipinagbawal ang paggamit nito bilang isang relihiyosong gamit. Pinagawa pa nga nya ito. 



Exodus 25:18-20

New International Version (NIV)
18 And make two cherubim out of hammered gold at the ends of the cover. 19 Make one cherub on one end and the second cherub on the other; make the cherubim of one piece with the cover, at the two ends. 20 The cherubim are to have their wings spread upward, overshadowing the cover with them. The cherubim are to face each other, looking toward the cover.


Nasa Banal na Aklat na ang Diyos mismo ang nagpagawa ng mga kerubin. 



1 Chronicles 28:18-19

New International Version (NIV)
18 and the weight of the refined gold for the altar of incense. He also gave him the plan for the chariot, that is, the cherubim of gold that spread their wings and overshadow the ark of the covenant of the Lord.
19 “All this,” David said, “I have in writing as a result of the Lord’s hand on me, and he enabled me to understand all the details of the plan.”



 


Ezekiel 41:17-18

New International Version (NIV)
17 In the space above the outside of the entrance to the inner sanctuary and on the walls at regular intervals all around the inner and outer sanctuary 18 were carved cherubim and palm trees. Palm trees alternated with cherubim. Each cherub had two faces:






Numbers 21:8-9

New International Version (NIV)
The Lord said to Moses, “Make a snake and put it up on a pole; anyone who is bitten can look at it and live.” So Moses made a bronze snake and put it up on a pole. Then when anyone was bitten by a snake and looked at the bronze snake, they lived.


Samakat'wid, ang nasa taas ay nagsasaad na pwedeng gamitin ang mga larawan bilang isang relihiyosong gamit at hindi ipinagbabawal ang paggawa ng mga larawan. 


Susunod na tanong:


ANG MGA LARAWAN BANG ITO AY SINASAMBA NG MGA KATOLIKO?


Ang sagot po ay HINDI!


Wala kahit sa anong opisyal na katuruan ng simbahan na dapat sambahin ang mga larawan. May mga larawan po kami pero naayon lamang sa Banal na Aklat. Ang mga larawan ay isang malaking tulong ng pagpapalaganap ng ebanghelyo noong sinaunang panahon kung saan mas marami ang hindi nakakabasa. 


Paano po yung pagluhod, paghalik sa poon?


Ang niluluhuran namin ay hindi ang mismong larawan kundi ang nirerepresenta nito. 




 


KATOLIKO AKO!


Ang pagiging isang Katoliko ay naging bahagi na ng aking buhay. Simula't sapul ng ako ay nagkaisip, ay pinalaki na ako ng aking mga magulang na may takot sa Diyos at maging sa katuruan ng simbahan.



Ngunit may mga pagkakataon namang tinatanong ko naman ang aking pananampalataya at ang kakayahan ng simbahan dahil sa dami ng mga atakeng naririnig ko. Mula sa simple hanggang sa complex na mga katanungan na ang mga payak na katoliko ay mapapaisip talaga kung tama ba naman ang turo ng simbahan.


Mga tanong na dapat nating hanapan ng kasagutan. Hindi naman dapat siguro na dahil narinig mo lang ang mga atake sa simbahan galing sa mga maling tagapagsalaysay ay mawawala ka na sa paniniwala o panghihinaan ka na ng paniniwala. Dapat ang mga tanong ay masagot ng tao mula mismo sa loob at hindi sa labas ng simbahan.

Halimbawa na lang, kung magtatanong ka tungkol sa pamilya ng taong gusto mo, tatanungin mo ba yung walang alam sa pamilyang yaon? Siyempre, magtatanong ka sa tao mismo. Ika nga, get it straight from the person.

Ngunit bakit nga ba marami ang umaatake sa katolesismo at mga mananampalatayang umaalis dito na ayon man sa isang SWS survey na ginawa noong Pebrero, 2013, ay isa sa bawat 10 katoliko ay nag iisip na umalis sa pananampalataya.

Bakit nga ba nangyayari ito? Ito ay dahil sa sekyularismo na ang ibig sabihin ay walang pakialam ang batas ng Diyos sa batas ng tao. Separation of church and state. Ito ay dahil sa mga taong pursegidong ibagsak ang simbahan na nakatayo na sa loob ng 2,000 taon. Ito ay dahil sa mahinang katesismo na ginagawa ng simbahan mismo.

Sa blog po na ito nawa'y ating malaman ang mga sagot kahit sa simpleng pangungusap lamang po ang mga katuruan ng simbahang Katoliko. Sana po ay maglaan tayo ng ilang minuto sa pagbabasa at mapagnilaynilayan po natin ito. Sana po ay maunawaan natin kahit na konte mula mismo sa isang batang katoliko ang turo, katuruan at ang kasaysayan ng ating mahal na simbahan.


Maraming salamat po

Lester